GSCS Nagpakitang Gilas sa UP Inter-Alab Quiz Bee


Ni Loise Jagocoy 

Noong ika-31 ng Enero, taong kasalukuyan pinalad na makasama ang Good Shepherd Cathedral School sa UP Inter-Alab Quiz Bee kung saan nagkaroon ng Inter high school quiz bee ng iba’t ibang mga pribadong paaralan na ginanap sa Church of the Holy Sacrifice sa UP Diliman.
   Ang ating mga kinatawan na ang mga may pinakamataas na antas sa akademiks ay nag handa sa pamamagitan ng pag-aaral kasama ng gabay ng kanilang guro na si G. Marco Paolo Lovendino. Ang mga nagrepresenta ng ating paaralan ay sina Chloie Magtoto, Jumir Boneo at Jaydee Manalang.
   Umalis ang ating mga kinatawan sa paaralan ng ika-12 ng hapon patungo sa UP. 
    Nagkaroon ng isang oryentasyon bago nagsimula ang pormal na palatuntunan ng ika-1 ng hapon. Nakakamit ang GSCS ng pitong puntos sa easy round, labinlimang puntos sa average round, at limang puntos sa hard round na may kabuuan na dalawampu’t pitong puntos. At dito, nauwi ng GSCS ang ikatlong gantimpala.