Pasiklaban


   Noong nakaraang ika anim ng Pebrero, 2015, nagkaroon ng isang kumpetisyon na tinaguriang “Annual Academic Competition, sa pagitan ng mga piling estudyante mula sa iba’t ibang eskwelahang hawak ng RCBN-ES. Naganap ito sa loob ng silid aklatan ng GSCS. Upang matunghayan ang kumpetisyon, nandirito ang principal, hindi lamang mula sa ating paaralan na si Dr. Carina G. Dacanay, pati na rin ang sa Our Lady of Lourdes Catholic School na si Bb. Marjudy Antolin.
   Nahati ang kumpetisyon sa dalawang parte, ang una ay para sa mga mag-aaral ng elementarya, sunod naman ay para sa mga High School. Ang bawat paaralan ay dapat may tatlo na mag-aaral upang maging kinatawan mula sa dalawang lebel.
   Ang ating grupo para sa elementarya ay binubuo nila  Jullian Martin Santos mula sa ikatlong baitang, Gladimr Daniel Labrador mula sa ikaapat na baitang, at Jose Mariano Suba mula sa ikalimang baitang, sa pamumuno at pag-gabay ni Bb. Brenda Roldan. Ang grupo naman na nagrepresenta sa ating High School Level ay sina  Dana Creizl Lucanas ng
ika pitong baitang, Roswell Garcia ng ika walong baitang, at Jose Danilo Manalang ng ika siyam na baitang.
   Ang dalawang grupo natin ay parehong nakamit ang ikalawang parangal. Nakatanggap sila ng tropeyo at tig-iisang medalya at certificate para sa kanilang pagsali.