Kompetisyong Pagbabaybay

Ni Maria Alyssa Romero

   Noong Pebrero 9, 2015, Nagkaroon ng isang kompetisyon ng pagbabaybay ang mga ika- 1, 2, at 3 baitang sa silid-aklatan. Bawat baitang ay may tig-iisang kinatawan.

      Ito na rin ay isa sa aktibidad ng selebrasyon ng linggo ng wika. Ang mga nagtulong-tulong dito sa kompetisyon na ito ay sina Bb. Roma Villaruel, Bb. Mary Rose Hernandez, Bb. Rahda at si Ginoong Josh, siya ang taga-tulong sa teknikal nung kompetisyong ito. Si Bb. Bee Roldan naman, siya ang naging punong-abala. Sa galing ng mga batang sumali, naging madikit ang iskor nila , naglalabanan at naguunahan sa iskor. Itong mga batang ito ay may mga magagaling na talento sa pagbabaybay at talagang nakikinig sa kanilang mga guro.