SCB Outreach

Ni Zoie Curtis Cruz  

Noong ika-12 ng Disyembre taong 2014, ang Student Coordinating Board (SCB) ay nagkaroon ng isang outreach para sa mga bata ng Sitio Ruby  na ginanap sa GSCS gymnasium kasama ang mga opisyal ng SCB, mga kinatawan, mga boluntaryo, mga guro, at ang ating minamahal na punong-guro, si  Dr. Carina
Dacanay.
   Bawat taon ay tradisyonal na ang pagdidiriwang ng pagbibigay ng isang outreach sa mga napiling mga bata mula sa isang charity o isang kawang gawa. Ang nauna sa programa ay ang pagbibigay ng isang  maayang pagbati ang ating punong-guro sa sa mga tauhan at sa mga bata. Pagkatapos, isinagawa na rin ang mga laro na inihanda ng mga SCB para sa mga bata. Ang mga guro natin at ang mga SCB ay nakibahagi din sa mga larong ito. Sumunod ay ang dalawang intermission number na hinanda ng SCB. Mayroong dalawang batang babae galing sa komunidad na nagpakita ang kanilang pambihirang kakayahan sa sayawan. At pagkatapos, nagkaroon ng kainan para sa mga bata at sumunod ang kanilang monito at monita kung saan nagbigay din ng mga regalo ang mga guro at SCB sa mga bata.    Pagkatapos nilang kumain ang tauhan ng Sitio Ruby ay nagbigay pasalamat sa mga guro, SCB, at sa punong guro na si Dr. Dacanay sa pagiimbeta sa kanila at sa pagpapasaya sa mga bata muli. Sa karanasan na ito, makikita talaga na ang pagtutulong at pagpapasaya sa iba ay isang malaking tulong hindi lamang sa ating sarili, kundi na rin sa ating Diyos.