Essay Writing Contest

Ni Rica Mae Monis

Ang Essay Writing Contest ay ginanap noong ika-10 ng Pebrero, 2015 para sa Language Week na may tema ngayong taong pampaaralan 2014 - 2015 na “Expressing Love and Appreciation in all God's Creation.” Ginanap ito sa loob ng GSCS Computer Laboratory noong 3:30 hanggang 4:30 ng hapon, pagkatapos ng mga klase ng mga kinatawan ng bawat klase sa high school level (grades 7 – 4th year.)
   Dalawa ang piniling kinatawan ng bawat klase ng grade 7 hanggang 4th year para sa Essay Writing Contest. Isa sa mga kinatawan ng bawat klase ang lalaban para sa Essay Writing Contest: English Category at isa naman ang lalaban para sa Essay Writing Contest: Tagalog Category.
   Ang mga nagwagi para sa Essay Writing Contest: English Category ay sina Arman Glinoga ng grade 8-A (Champion), Mikaela Norada ng 4th year-A (1st place) at Joshua Ibarra ng grade 9-B. (2nd place). Para sa Essay Writing: Filipino Category, ang mga nagwagi naman ay sina Alhy David ng grade 9-A (Champion), Fiona Reyes ng grade 8-A (1st place) at Junelisha Mendoza ng grade 8-B (2nd place).