National Catholic Teachers' Day

Ni Miraflor Campillos


   Ang mga guro ng Good Shepherd Cathedral School, kabilang na rin ang butihing punong guro ng paaralan na si Dr. Carina G. Dacanay ay sabay sabay na ipinagdiriwan ang National Catholic Teacher’s Day noong ika-28 ng Enero 2015.
   Bawat guro ng paaralan ay pumili ng kani-kanilang counterpart na nagsilbing kapalit nila sa pagtuturo sa mga mag-aaral ng GSCS noong araw na iyon. Ang kanilang mga pinagpilian na counter parts ay ang mga mag-aaral mula sa ika-9 na baitang at ika-apat na taon. Nagsagawa ang Students’ Coordinating Board (SCB) ng programa noong ika-7:30 ng umaga upang ipakilala ang mga mapapalad na mag-aaral na napili para maging counterpart.
   Ang puting alpombra at mga lobo na disenyo sa gilid nito ang nagsilbing rampahan ng mga guro kasama ang kanilang mga counterpart. Naghiyawan ang bawat mag-aaral mula Kinder hanggang 4th year habang isa-isa silang pinakikilala ang mga student counterparts. Tuwang-tuwa naman ang lahat nang rumampa na si Dr. Dacanay kasama ang kanyang counterpart na si Leanne Bianca Ugalino.

   Natapos ang pagpapakilala ng alas-otso at pumunta na ang mga guro at mga counterpart sa sa kani-kanilang mga klase. Kasama lagi ng mga guro ang kanilang mga counterpart kahit saan man sila magpunta. Nagakroon din ng Quiz Bee ang mga guro sa loob ng silid-aklatan ng paaralan.
   Pagdating ng ala-una ng hapon, pinapunta lahat ng mag-aaral at guro sa mga gym upang ipagpatuloy ang programa. Pinarangalan dito ang mga guro na nanalo sa Quiz Bee. Nagkaroon din ng palaro para sa kanila at nagtanghal din sila para sa mga mag-aaral. Si G. Joseph Dimson ay tumugtog ng drums habang si G. Patrick Reyes at G. Victor Domingo naman sa gitara.
 Pagkatapos ng tugtugan at kantahan ay may inihandang  bidyo ang SCB para sa mga bida ng araw na iyon. Naglalaman ito ng mga litrato ng ating mga guro ng magkakasama at ang mga masasayang oras nila habang sila’y wala sa kanilang mga uniporme.

   Natapos ang programa at ang mga counterpart ay nagbigay ng mga regalo ng pasasalamat sa mga guro nila. Malungkot man na isang araw lamang ito naganap, mas nangingibabaw pa rin ang kasiyahan dulot ng isang napakagandang paghahanda para sa National Catholic Teacher’s Day.