Speech Choir

Ni Maria Alyssa Romero
   Ang Speech Choir ay ginanap noong ika-11 ng Pebrero, 2015 para sa Language Week na may temang “Expressing Love and Appreciation in all God's Creation.” Ginanap ito sa loob ng GSCS Gymnasium noong 3:45 ng hapon.
   Ang mga magkakatunggali para sa Speech Choir ay ang Grade 4A, Grade 4B, Grade 5A, Grade 5B, Grade 6A at Grade 6B.

    Ang kanilang itinanghal ay isang tula na may pamagat na "The Road Not Taken by” ni Robert Frost.  Ang tula ay tungkol sa isang manlalakbay na hindi sigurado kung saan  sa dalawang daanan siya tutungo. Ang simbolismo ng tula na ito ay ang paggagawa ng mga desisyon sa buhay.
   Hanggang 35 na estudyante lamang ang maaring bilang ng mga magtatanghal. Ang pamantayan ng mga hurado para sa kanilang pagtatanghal ay ang kagandahan ng paghahatid ng mensahe ng tula, ang pagtutulungan ng mga magtatanghal, at ang kanilang galing sa pagtutunggali.
   Inanunsyo ang mga nanalo pagkatapos ng paligsahan. Ang mga nagwagi ay ang Grade 6 – St. Lorenzo Ruiz na naging kampyon, Grade 4 – St. Joseph na nakakuha ng unang gantimpala, at ang Grade 6 – St. Pedro Calungsod sa nakakuha ng ikalawang gantimpala.
   Ang mga naging hurado para sa mga pagtutunggali ng Speech Choir ng Language Week ay sina G. Marco Paolo Lovendino, Bb. Bee Roldan at G. Joseph Dimson. Tinulungan naman ng English team ang pagpapatakbo ng pagtutunggali.