Ang Problema sa Pagbilang


ni Alyssa Kathleen Arnaldo

Aminin man natin o hindi, marami sa atin ang hirap sa aghambilang o matematika. Ang madalas na kabilang sa mga nahihirapan sa asignaturang matematika ay ang mga estudyante. Unang rinig palang ng mga estudyante sa MATH ang unang pumapasok sa kilang isip ay Mental Abuse To Humans. Sa kasalukuyan ay ganoon ang tingin ng karamihan sa kabataan ngayon sa matematika. Kapag dumating na ang oras na matematika na ang asignaturang pagaaralan ng mga estudyante ay agad na silang kakabahan. Ang pumapasok kaagad sa isip nila ay mahirap ang pagaaralan nila o hindi nila masasagot ang mga katanungan ng kanilang guro. Hindi pa nagsisimula ang klase ganoon na kaagad ang pumapasok sa isip ng mga estudyante kaya hindi na nakakagulat na nahihirapan sila sa pagiintindi ng mga aralin sa asignatura na ito.
Ayon sa mga eksperto, ang hirap sa pagaaral ng aghambilang ay hindi naguugat sa mismong mga paksa na nakapaloob dito bagkus, ito ay nagmumula sa takot at kaba ng mga estudyante sa pagaaral nito. Malaking parte ng isip para sa logical reasoning na malaki ang ginagampanan na tungkulin sa asignaturang matematika ang naapektuhan kapag ang isang tao ay kinakabahan. Kahit ang mga taong bihasa sa asignaturang ito ay magkakaroon ng palya sa pagsagot kapag sila ay kinakabahan. Ang kailangan natin mapuksa para mapagaralan at maintindihan ng mabuti ang matematika ay ang takot at kaba natin sa mismong pagaral natin ng aghambilang.
Umpisa pa lamang kapag hindi mo na naintindihan ang mga aralin sa matematika ay siguradong mahihirapan ka na sa mga pagaaralan mo sa hinaharap. Ito ang kadalasan na pinagmumulan ng suliranin ng mga estudyante sa aghambilang. Sa lahat ng bagay ay kailangan mo munang malaman ang mga pangunahing kaalaman dahil mahihirapan kang lumipat sa mas mataas na antas kapag hindi mo alam ang mga ito. Dapat natin pahalaghan ang mga pangunahing aralin sa matematika dahil malaking tulong iyon kapag pinagaaralan na natin ang mataas na antas ng matematika. May kasabihan nga na “If you’re having troubles, stick to the basics”, kaya kapag alam mo ang basics, hindi ka mahihirapan sa matematika.

  Isa pa sa mga ugat ng problema ng mga estudyante sa matematika ay ang kawalan ng tiwala sa sarili. Dahil alam nila na mahina sila sa asignaturang ito, umaasa na lamang sila sa tulong ng iba para matapos ang mga gawain na binibigay sa kanila. Ito ay panandaliang solusyon lamang sa kasalukuyang hinaharap na problema. Hindi ito makakatulong sa mga aralin kung saan sila nahihirapan. Ang tulong na binibigay sa mga estudyanteng may ganitong problema ay hindi solusyon sa kinakaharap nilang suliranin kung hindi mas nakakadagdag pa ito sa paniniwala nila na mahina sila sa matematika. Ang kailangan ng mga estudyante na may ganitong problema ay dagdag atensyon sa pagtuturo ng matematika at dagdag kompyansya sa kanilang mga sarili. 
  Lahat ng problema ay may solusyon. Hindi rin natin maiiwasan ang matematika sa ating buhay. Hindi man ito katulad ng mga AlgebraGeometry Trigonometry problems na kinakaharap natin habang tayo ay nagaaral pa pero mayroon pa ring matematika sa ating pang araw- araw na buhay. Kung may hirap man tayo sa pagaaral nito sa kasalukauyan ay kailangan lang natin ng sipag at tiyaga. Hindi man natin mabibigayn ng solusyon ang problema natin sa matematika kaagad pero sa kaunting pasensya ay siguradong may pagbabago tayong makikita.