Retreat 2014: Pagbabalik Tanaw

ni Jenelyn Placido

     Isang masaya at di malilimutang karanasan ang naganap nang ang Good Shepherd Cathedral School ay nagkaroon ng isang retreat para sa mga magtatapos na magaaral sa hayskul sa taong kasalukuyan. Ang retreat ay naganap sa Layforce, San Carlos, Makati City noong ika 29 hanggang 30 ng Enero 2014. Ang Layforce ay isang mapayapa at tahimik na lugar kaya naman lahat ay inaasahang limitahin ang ingay at damdamin lamang ang presensya ng Diyos.  Ito ay ang oras upang bawat isa samin ay mapag-isa at maliwanagan sa lahat ng mga bagay at mga problemang bumabagabag sa amin. 



      Ang pangunahing konsepto ng aming unang sesyon ay paglalarawan ng buhay namin sa nakaraan, kasalukuyan, at hinaraharap, ang lahat ng aming mga pagkakamali at ang Panginoon sa aming mga puso. Narinig din namin ang ibat ibang mga kwento at saloobin ng bawat isa. “Ang Pagibig ang panuntunan:” ito ay nabanggit nabanggit sa amin ng isang tagapagsalita. Ayon sakanya, ang isang taong mahal ang lahat ng kanyang mga ginagawa ay nagiging maligaya, panatag at matagumpay.
Nabanggit rin ng tagapagsalita na “ang lahat ng bagay ay nagaganap para sa isang dahilan.” Dapat ay matuto daw kaming magtiwala sa Diyos dahil Siya ay mayroong plano para sa amin at hinding-hindi Niya kami papabayaan. Matapos nito ay nagkaroon din kami ng pagkakataon na magkumpisal bago kami naghapunan at natulog.

     Ang sumunod na sesyon ay ang pabibigay ng mga “retreat letters”. Lahat kami ay tumayo at niyakap ang isa’t isa. Iyon ang oras kung kailan namin napagtanto na dalawang buwan na lamang kami
kami magkakasama. Nang basahin naman namin ang lamang kami magkakasama. Nang basahin naman namin ang mga liham na natanggap namin mula sa aming mga magulang, halos lahat kami, maging ang mga masiyahin at palatawa sa klase ay umiyak. Sa sandaling iyon, doon namin naramdaman kung gaano namin kamahal ng aming mga magulang. Ang mga sulat na iyon ang nagsilbing istrumento upang ipaalam nila sa amin ang kanilang walang sawang pagmamahal at suporta sa kabila ng aming mga kasalanan at maling nagawa.
     Matapos nito, nagpunta kami sa isang kapilya upang makipagkita sa aming mga magulang at magdaos ng misa.

 Ang aming mga guro ay nagkaroon ng panayam tungkol sa naganap na retreat at nakakatuwa dahil sa kabila ng pagiging maingay at magulo namin sa klase ay nariyan parin ang walang sawa nilang suporta at pagmamahal bilang pangalawa naming mga magulang. Nagtapos ang aming retreat sa isang salu-salo. Napakasarap sa pakiramdam ng aming pagalis dahil dala dala namin ang lahat ng mga mahahalagang aral na natutunan namin mula sa  mga   tagapayo at tagapagsalita. Maaaring kami parin ay isang maingay at magulong klase ngunit alam namin sa aming mga sarili na kami, ang magtatapos na magaaral sa Good Shepherd Cathedral School ng taong 2013-2014 ay maaari pang magbago at mahaba-haba pa an gaming lalakbayin. Ngunit kasabay ng pagtatapos namin ay babaunin naman namin ang lahat ng mga alaala at mga pangyayari sa pinakamasaya at di malilimutang apat na taon namin sa aming hayskul.