School Dance Competitions Dazzle Color in Costumes

Besides the well-performed choreography, participants of both cheer dance and parade dance-themed competitions dazed audiences with a kaleidoscope of distinct costumes, each bringing out a class’ individuality. 

   Grade 7A Generosity brought lively shades of green into their parade dance through the girls’ bright, glittering dresses and the boys’ satin outfits of dark green long-sleeved polos and yellow green pants. Additionally, Generosity’s girls wore white belts and ruffled skirts paired with white boots laced with green  ribbons while their boys, in contrast, wore darker pairs of shoes, bringing festive colors of spring to their appearance.

   Grade 7B Courage’s emerald green costumes showed the audience a more traditional and ethnic vibe similar to the Asian  tribal ancestors. Awarded with ‘Best in Costume’ for the cheer dance competition, their female participants  wore sleeveless, flowing green dresses sewn with yellow sequins and green sandals while their male performers wore open green vests with yellow sequin designs on its rims with their hips wrapped within similarly green skirt-like cloth as well as green sandals.
   The next competitors to the parade dance, Grade 8A Obedience, dressed themselves in striking yet cheerful colors of yellow, white, and black and completed their attire with gold on their shoes, earning ”Best in Costume” for their competition. Their pony-tailed girls each had a flower headdress, three vertical black diamonds placed in front of their white shirts, fitted neon yellow jackets, black shorts, and white knee-high socks. Their boys only differed from the girls’ costumes with their custom-made black  pants designed with yellow and white diamonds placed on its sides.
   Grade 8B Honesty used mainly black in their American-themed cheer dance costumes to brighten the neon yellow around their fitted sleeves and across their chests. The word “Archers” also stood out from their chests representing the class’ Intramurals group name. Honesty’s female performers wore long-sleeved black tops and skater skirts decorated with yellow triangles while their male performers presented themselves with the same long-sleeved tops and black pants.

   Black flat caps, military camo patterns, and bright red clothes defined Grade 9A Humility’s parade dancers. Their boys wore the flat caps, military camo patterned pants, bright red shirts with the pattern on their short sleeves, and short black boots while the girls were dressed in red from their long sleeved tops to their ruffled skirts with hints of the camo patterns designed over a portion of their top and on the belt with short white boots.

  Whereas Humility had military camo patterns, Grade 9B Kindness displayed leopard patterns over their outfits. The cheer dance champions battled through the competition with their African-themed uniforms; their boys wore red, white, and black shirts, red pants, and black sneaker while their girls wore sleeveless v-neck tops with leopard-patterned straps and  belts, short red skirts, black knee-high socks, and white sneakers. All dancers had a golden-colored “JUNIORS” written across a portion of red in their tops.

  Grade 10A Gratitude appeared with a sailor theme in white, blue, black, and red. Being the champions of the parade dance competition, the male participants danced wearing black hats with a feather attached to the side, white long-sleeved shirts with blue vertical lines on its sleeves, black pants, and black dress shoes while the female performers wore white sailor hats, white dresses with blue and red covering each side, and white boots.  

   In their white sneakers, the cheer dancers of Grade 10B Faithfulness participated in the competition with an overall blue European theme. Faithfulness’ girls performed with thin silver scarves, long sleeved satin tops decorated with silver sequins forming wind patterns, and short blue skirts. Their boys wore loose satin tops with the silver sequins patterned around the neck, sleeve, and waist area and silver satin pants.
Read more »

Speech Choir

Ni Maria Alyssa Romero
   Ang Speech Choir ay ginanap noong ika-11 ng Pebrero, 2015 para sa Language Week na may temang “Expressing Love and Appreciation in all God's Creation.” Ginanap ito sa loob ng GSCS Gymnasium noong 3:45 ng hapon.
   Ang mga magkakatunggali para sa Speech Choir ay ang Grade 4A, Grade 4B, Grade 5A, Grade 5B, Grade 6A at Grade 6B.

    Ang kanilang itinanghal ay isang tula na may pamagat na "The Road Not Taken by” ni Robert Frost.  Ang tula ay tungkol sa isang manlalakbay na hindi sigurado kung saan  sa dalawang daanan siya tutungo. Ang simbolismo ng tula na ito ay ang paggagawa ng mga desisyon sa buhay.
   Hanggang 35 na estudyante lamang ang maaring bilang ng mga magtatanghal. Ang pamantayan ng mga hurado para sa kanilang pagtatanghal ay ang kagandahan ng paghahatid ng mensahe ng tula, ang pagtutulungan ng mga magtatanghal, at ang kanilang galing sa pagtutunggali.
   Inanunsyo ang mga nanalo pagkatapos ng paligsahan. Ang mga nagwagi ay ang Grade 6 – St. Lorenzo Ruiz na naging kampyon, Grade 4 – St. Joseph na nakakuha ng unang gantimpala, at ang Grade 6 – St. Pedro Calungsod sa nakakuha ng ikalawang gantimpala.
   Ang mga naging hurado para sa mga pagtutunggali ng Speech Choir ng Language Week ay sina G. Marco Paolo Lovendino, Bb. Bee Roldan at G. Joseph Dimson. Tinulungan naman ng English team ang pagpapatakbo ng pagtutunggali.


  


Read more »

Essay Writing Contest

Ni Rica Mae Monis

Ang Essay Writing Contest ay ginanap noong ika-10 ng Pebrero, 2015 para sa Language Week na may tema ngayong taong pampaaralan 2014 - 2015 na “Expressing Love and Appreciation in all God's Creation.” Ginanap ito sa loob ng GSCS Computer Laboratory noong 3:30 hanggang 4:30 ng hapon, pagkatapos ng mga klase ng mga kinatawan ng bawat klase sa high school level (grades 7 – 4th year.)
   Dalawa ang piniling kinatawan ng bawat klase ng grade 7 hanggang 4th year para sa Essay Writing Contest. Isa sa mga kinatawan ng bawat klase ang lalaban para sa Essay Writing Contest: English Category at isa naman ang lalaban para sa Essay Writing Contest: Tagalog Category.
   Ang mga nagwagi para sa Essay Writing Contest: English Category ay sina Arman Glinoga ng grade 8-A (Champion), Mikaela Norada ng 4th year-A (1st place) at Joshua Ibarra ng grade 9-B. (2nd place). Para sa Essay Writing: Filipino Category, ang mga nagwagi naman ay sina Alhy David ng grade 9-A (Champion), Fiona Reyes ng grade 8-A (1st place) at Junelisha Mendoza ng grade 8-B (2nd place).
      



Read more »

Kompetisyong Pagbabaybay

Ni Maria Alyssa Romero

   Noong Pebrero 9, 2015, Nagkaroon ng isang kompetisyon ng pagbabaybay ang mga ika- 1, 2, at 3 baitang sa silid-aklatan. Bawat baitang ay may tig-iisang kinatawan.

      Ito na rin ay isa sa aktibidad ng selebrasyon ng linggo ng wika. Ang mga nagtulong-tulong dito sa kompetisyon na ito ay sina Bb. Roma Villaruel, Bb. Mary Rose Hernandez, Bb. Rahda at si Ginoong Josh, siya ang taga-tulong sa teknikal nung kompetisyong ito. Si Bb. Bee Roldan naman, siya ang naging punong-abala. Sa galing ng mga batang sumali, naging madikit ang iskor nila , naglalabanan at naguunahan sa iskor. Itong mga batang ito ay may mga magagaling na talento sa pagbabaybay at talagang nakikinig sa kanilang mga guro.


Read more »

Pasiklaban


   Noong nakaraang ika anim ng Pebrero, 2015, nagkaroon ng isang kumpetisyon na tinaguriang “Annual Academic Competition, sa pagitan ng mga piling estudyante mula sa iba’t ibang eskwelahang hawak ng RCBN-ES. Naganap ito sa loob ng silid aklatan ng GSCS. Upang matunghayan ang kumpetisyon, nandirito ang principal, hindi lamang mula sa ating paaralan na si Dr. Carina G. Dacanay, pati na rin ang sa Our Lady of Lourdes Catholic School na si Bb. Marjudy Antolin.
   Nahati ang kumpetisyon sa dalawang parte, ang una ay para sa mga mag-aaral ng elementarya, sunod naman ay para sa mga High School. Ang bawat paaralan ay dapat may tatlo na mag-aaral upang maging kinatawan mula sa dalawang lebel.
   Ang ating grupo para sa elementarya ay binubuo nila  Jullian Martin Santos mula sa ikatlong baitang, Gladimr Daniel Labrador mula sa ikaapat na baitang, at Jose Mariano Suba mula sa ikalimang baitang, sa pamumuno at pag-gabay ni Bb. Brenda Roldan. Ang grupo naman na nagrepresenta sa ating High School Level ay sina  Dana Creizl Lucanas ng
ika pitong baitang, Roswell Garcia ng ika walong baitang, at Jose Danilo Manalang ng ika siyam na baitang.
   Ang dalawang grupo natin ay parehong nakamit ang ikalawang parangal. Nakatanggap sila ng tropeyo at tig-iisang medalya at certificate para sa kanilang pagsali.





Read more »

Toys for Tot

Ni Zoie Curtis Cruz

    Mula ika-2 hanggang ika-6 ng Pebrero. 2015 ay nagkaroon ng aktibidad para sa mga mag-aaral ng ikauna ikalawa at ikatlong baitang, kasama rin ang mga kabilang sa ECE. Ang pagdiriwang na ito ay naganap sa kani-kanilang  silid-aralan.
   Ang nga layunin ay para makakolekta ng iba't-ibang gamit na laruan na pwede pang makinabang ng mga bata sa mga day care centers para sa ating kumunidad.
   Ang pagdiriwang na ito ay naganap upang mapanatili ang pagiging mabait at mapagbigay ng mga mag-aaral para sa mga nangangailangan. Para rin ito sa paghasa ng paghalubiho sa mga tao at ang pagiging matulungin sa kapwa.


Read more »

Book Fair

Ni Lois Marcelle Rosario

  Ang ating paaralan ay ipinagdiwang ang Early Childhood Education Week mula ika-2 hanggang ika-6 ng Pebrero, na may temang; “A Caring World Shares.”
   Ang pangunahing programa na pinaghandaan ng Scholastic para sa ECE Week at Language Week ay ang Book Fair na matutunghayan sa pasilyo ng ECE, na kung saan ang Scholastic ay nagbenta ng mga libro na kanilang inilimbag.
    Ang layunin ng programa ay himukin ang pagbabasa ng mga libro at maihatid ang mga dakalidad na mga aklat sa mga mag-aaral ng GSCS.
   Ang mga aklat na makikita sa Book Fair ay hindi lang para sa mga nasa primaryang antas kundi pa rin sa mga nasa sekundaryang antas.




Read more »

National Catholic Teachers' Day

Ni Miraflor Campillos


   Ang mga guro ng Good Shepherd Cathedral School, kabilang na rin ang butihing punong guro ng paaralan na si Dr. Carina G. Dacanay ay sabay sabay na ipinagdiriwan ang National Catholic Teacher’s Day noong ika-28 ng Enero 2015.
   Bawat guro ng paaralan ay pumili ng kani-kanilang counterpart na nagsilbing kapalit nila sa pagtuturo sa mga mag-aaral ng GSCS noong araw na iyon. Ang kanilang mga pinagpilian na counter parts ay ang mga mag-aaral mula sa ika-9 na baitang at ika-apat na taon. Nagsagawa ang Students’ Coordinating Board (SCB) ng programa noong ika-7:30 ng umaga upang ipakilala ang mga mapapalad na mag-aaral na napili para maging counterpart.
   Ang puting alpombra at mga lobo na disenyo sa gilid nito ang nagsilbing rampahan ng mga guro kasama ang kanilang mga counterpart. Naghiyawan ang bawat mag-aaral mula Kinder hanggang 4th year habang isa-isa silang pinakikilala ang mga student counterparts. Tuwang-tuwa naman ang lahat nang rumampa na si Dr. Dacanay kasama ang kanyang counterpart na si Leanne Bianca Ugalino.

   Natapos ang pagpapakilala ng alas-otso at pumunta na ang mga guro at mga counterpart sa sa kani-kanilang mga klase. Kasama lagi ng mga guro ang kanilang mga counterpart kahit saan man sila magpunta. Nagakroon din ng Quiz Bee ang mga guro sa loob ng silid-aklatan ng paaralan.
   Pagdating ng ala-una ng hapon, pinapunta lahat ng mag-aaral at guro sa mga gym upang ipagpatuloy ang programa. Pinarangalan dito ang mga guro na nanalo sa Quiz Bee. Nagkaroon din ng palaro para sa kanila at nagtanghal din sila para sa mga mag-aaral. Si G. Joseph Dimson ay tumugtog ng drums habang si G. Patrick Reyes at G. Victor Domingo naman sa gitara.
 Pagkatapos ng tugtugan at kantahan ay may inihandang  bidyo ang SCB para sa mga bida ng araw na iyon. Naglalaman ito ng mga litrato ng ating mga guro ng magkakasama at ang mga masasayang oras nila habang sila’y wala sa kanilang mga uniporme.

   Natapos ang programa at ang mga counterpart ay nagbigay ng mga regalo ng pasasalamat sa mga guro nila. Malungkot man na isang araw lamang ito naganap, mas nangingibabaw pa rin ang kasiyahan dulot ng isang napakagandang paghahanda para sa National Catholic Teacher’s Day.




Read more »

SCB Outreach

Ni Zoie Curtis Cruz  

Noong ika-12 ng Disyembre taong 2014, ang Student Coordinating Board (SCB) ay nagkaroon ng isang outreach para sa mga bata ng Sitio Ruby  na ginanap sa GSCS gymnasium kasama ang mga opisyal ng SCB, mga kinatawan, mga boluntaryo, mga guro, at ang ating minamahal na punong-guro, si  Dr. Carina
Dacanay.
   Bawat taon ay tradisyonal na ang pagdidiriwang ng pagbibigay ng isang outreach sa mga napiling mga bata mula sa isang charity o isang kawang gawa. Ang nauna sa programa ay ang pagbibigay ng isang  maayang pagbati ang ating punong-guro sa sa mga tauhan at sa mga bata. Pagkatapos, isinagawa na rin ang mga laro na inihanda ng mga SCB para sa mga bata. Ang mga guro natin at ang mga SCB ay nakibahagi din sa mga larong ito. Sumunod ay ang dalawang intermission number na hinanda ng SCB. Mayroong dalawang batang babae galing sa komunidad na nagpakita ang kanilang pambihirang kakayahan sa sayawan. At pagkatapos, nagkaroon ng kainan para sa mga bata at sumunod ang kanilang monito at monita kung saan nagbigay din ng mga regalo ang mga guro at SCB sa mga bata.    Pagkatapos nilang kumain ang tauhan ng Sitio Ruby ay nagbigay pasalamat sa mga guro, SCB, at sa punong guro na si Dr. Dacanay sa pagiimbeta sa kanila at sa pagpapasaya sa mga bata muli. Sa karanasan na ito, makikita talaga na ang pagtutulong at pagpapasaya sa iba ay isang malaking tulong hindi lamang sa ating sarili, kundi na rin sa ating Diyos.




Read more »

GSCS Nagpakitang Gilas sa UP Inter-Alab Quiz Bee


Ni Loise Jagocoy 

Noong ika-31 ng Enero, taong kasalukuyan pinalad na makasama ang Good Shepherd Cathedral School sa UP Inter-Alab Quiz Bee kung saan nagkaroon ng Inter high school quiz bee ng iba’t ibang mga pribadong paaralan na ginanap sa Church of the Holy Sacrifice sa UP Diliman.
   Ang ating mga kinatawan na ang mga may pinakamataas na antas sa akademiks ay nag handa sa pamamagitan ng pag-aaral kasama ng gabay ng kanilang guro na si G. Marco Paolo Lovendino. Ang mga nagrepresenta ng ating paaralan ay sina Chloie Magtoto, Jumir Boneo at Jaydee Manalang.
   Umalis ang ating mga kinatawan sa paaralan ng ika-12 ng hapon patungo sa UP. 
    Nagkaroon ng isang oryentasyon bago nagsimula ang pormal na palatuntunan ng ika-1 ng hapon. Nakakamit ang GSCS ng pitong puntos sa easy round, labinlimang puntos sa average round, at limang puntos sa hard round na may kabuuan na dalawampu’t pitong puntos. At dito, nauwi ng GSCS ang ikatlong gantimpala.



Read more »

GSCS Nakibahagi sa Encounter with the Youth ng Santo Papa


Ni Marie Gabrielle T. Bernabe


  Ang Good Shepherd Cathedral School ay nagpadala ng kanilang mga kabataang kinatawan sa UST. Ang batayan ng pagpili ng mga kinatawan ay dapat  bahagi ng isang ministry club, makamtan ang hinihinging marka, ang kanilang pag-uugali at nangangailangan na sila ay isang mag-aaral na nasa ika tatlo o ika apat na taon. Ang mga mapapalad na napili ay sina Patricia Marquez, Jasper Lao, Beatrice  Dimabuyu, Chloie Magtoto, Seiya Ishii, Jumir Boneo, Gary Mamaid, Jorell Dizon at si Leah Paningbatan. Kasama ng kanilang mga guro na pinangungunahan ni Dr. Carina G. Dacanay, ang principal  ng paaralan, si G. Anthony B. Rapisura, ang CLE coordinator,  si G. Marco Paolo M. Lovendino at ang ating shool nurse na si Ma. Angellie P. Borbor,  Nagtungo sila papuntang UST, isang araw bago ang hinintay na Encounter with the Youth.
  Nagsimula ang kanilang mahabang paghihintay sa Santo Papa ng ika-17 ng Enero ng ika-10 ng gabi ng dumating sila sa kalye ng P. Noval upang pumila sa pagpasok sa UST. Pagkatapos ng siyam na oras ng paghihintay sa labas ng malamig at  masikip na daanan sa labas ng UST, sila ay nakapasok sa loob ng ika-7 ng kinaumagahan ng ika-18 ng Enero. Ang mga kinakatawan natin ay nagsuot ng Marian blue na mga t-shirt na ang nakatakdang kulay ng mga miyembro ng Catholic Educational Association of the Philippines, (CEAP) habang ang mga nakatakdang kulay naman sa Youth Ministry ng iba’t ibang parte ng Pilipinas ay pula. Ang Santo Papa ay binati muna ng iba’t ibang lider ng mga relihiyon sa Arch of the Century at pagkatapos ay tumungo na siya sa UST Quadrangle kung saan naroon din ang ilang mga pari at obispo ng Pilipinas. Ang ilang mga kwento ng mga kinatawan ng GSCS ay  pagkita nila  sa Santo Papa, sila ay naiyak sa lakas ng impact ng kanyang presensya. “Parang nakakita ka ng santo, parang ang linis ko na rin,” sabi ni Patricia Marquez.
   Pagsimula ng programa, nakinig ang Santo Papa sa mga mensahe ng mga napiling mga kabataan: sina Jun Chura, isang out-of-school-youth, si Glyzelle Palomar, si Leandro Santos II, isang mag-aaral ng abogasya at si Rikki Q. Macolor, isang enhinyero at ang nagimbento ng Solar Night Light para sa mga nasalanta ng Bagyong Yolanda sa Tacloban. Matapos marinig ng Santo Papa ang mga kwento at hiling  ng mga napiling kabataan, nagbigay siya ng isang hindi handang talumpati  ng nasa kanyang katutubong wikang Italyano.
 Hiniling niya na ipagdasal ang batang babae na namatay sa Leyte at ipinamalas niya sa kabataan ang kanyang mensahe ng hindi masama ang paggamit ng social media kung ito ay gagamitin upang ipabatid ang salita ng Panginoon. Nasabi din ng Santo Papa na ang kabataan ay dapat maging mapagkumbaba.
    Hiniling niya na ipagdasal ang batang babae na namatay sa Leyte at ipinamalas niya sa kabataan ang kanyang mensahe ng hindi masama ang paggamit ng social media kung ito ay gagamitin upang ipabatid ang salita ng Panginoon. Nasabi din ng Santo Papa na ang kabataan ay dapat maging mapagkumbaba.
    Ng pagkawakas ng encounter with the youth at ang pagalis ng Santo Papa sa UST, kumanta ang mga kabataan ng Tell the World of His Love at sa panahon na ito, talagang naramdaman ng mga kinatwan natin ang totoong kahulugan ng serbisyo sa Diyos. Sa kabila ng lahat ng lamig, pagod at puyat ng pinagdaanan ng mga kinatawan natin,talagang masasabi nila na isa itong nakakabigay buhay na karanasan para sa kanila: naramdaman nila ang totoong sakripisyo.








Read more »